Ang pananampalataya (Eeman) ay siyang huling pinaglaanang pamamaraan [ng paglalarawan at pagpapaliwanag] na inilaan upang magkaloob sa iyo ng ganap na impormasyon [kaalaman at kabatiran] at mga alintuntunig-gabay tungkol sa pananampalataya at iba pang mahahalagang paksang nakaugnay sa Eeman na kabilang ditto ay ang pagpapahayag [at pagsaksi] ng pananampalataya: ang kahulugan nito at mga pangangailangan; ang kahulugan ng pagsamba; paniniwala sa mga Pangalan at mga katangian ng Allah; ang anim na haligi ng pananampalataya na binubuo ng paniniwala sa Allah, paniniwala sa mga Anghel, paniniwala sa mga Banal na Kasulatan [at kapahayagan], paniniwala sa mga Propeta at Sugo, paniniwala sa Araw ng Paghuhukom [sa kabilang buhay] at ang paniniwala sa Tadhana [Takdang Kapalaran].
Ang Eeman [Pananampalataya] ay maghahatid sa iyo sa matuwid na landas at sa walang hanggang habag ng Dakilang Allah. Bunga nito, magagawa mong tamasahin ang walang hanggang ligaya sa Paraiso kung naisin ng Allah.